Katuturang Naisin

Sa kahit anong sulok mo man tingnan,

hagilapin ang kapiraso ng palaisipan

Itinago ito ng sarili kong mga kamay

at hindi mo na kailanman matatagpuan.

 

Hangad ko ang iyong malayang paglipad

pag-angat sa langit ng may kapayapaan

Bagama’t hindi mo ako maiintindihan

sa tamang panahon ay iyo ring malalaman

ang itinatago lihim na kaytagal kong

pinag-ingatan.

 

Sa paglipad mo ay huwag mo nang balikan pa

o subukang hanapin

kapiraso nang palaisipan na ayaw ko nang

ungkatin

Patunayan mong hindi ito ang katapusan

ng maraming posibilidad, agam-agam

at kahit anu mang alinlangan

 

Tingnan mo sa dakong hindi kayang  isipin

o makita nang mga matang kaya kang linlangin

Saka mo lang maiintindihan ang ibig

kong sabihin.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s